Archive for October, 2005

Boycott Nestle!

Saturday, October 1st, 2005

PANAWAGAN!
PRODUKTONG NESTLE, BOYKOTIN!!!!!!!!

Ang mga GATAS malapot,malabnaw at powder
nasa lata,karton o plastik man
ay maganda sa ating katawan,
bitamina nito ay pare-pareho lang,

CHOCOLATE  at KENDI ay mainam din sa atin lalo na sa panghimagas matapos kumain.
Magaling na  pang regalo,
sa misis na nagtatampo,sa  panliligaw sa babaeng minamahal mo,
mas mainam kung cake ang ialay mo para tuwirang mapasagot mo ito.

Wow! ICE CREAM  Sa mga party-bertdey,binyagan,kompil at kasalan,
pampasaya sa mga bata at matanda,kapag sila’y may dinidilap-dilapan o sinisipsipan,
lahat ay masasaya sa tuwi-tuwina kapag may ihahain ka nito sa iyong lamesa.


Pero mga mahal kong 
KABABAYAN,isang pakiusap po lamang,ang lahat ng ito ay ma-eenjoy nyo lamang,sa ibang brand,HUWAG lang sa produkto ng NESTLE na sa manggagawa ay LAPASTANGAN
produkto nila’y,MAPAIT sa kalamnan, may tilamsik ng DUGO ng mga MANGGAGAWA na kanilang pinaslang at pinahihirapan,…LUPIT EVER!

BOYKOTIN natin ang NESTLE!!!!!!

Katarungan para kay Diosdado "ka fort" Fortuna!