
Amin ang MENDIOLA,Gloria! Alis dyan!!!
Sa kabila ng init,uhaw at pagod ay di ako sumukong maglakad,bagama’t panak-naka ay sumisilong sa lilim ng mga puno o building na madaanan at humihinto saglit para uminom ng tubig,huminga ng malalim upang humugot muli ng konting lakas.habang pabilis ng pabilis at kinailangang magmadali na sa paglakad, at maririnig ko na ang komand"double time,mga kasama,bilis!"kinakabog ako, takbo pa rin ang lola mo para di maiwan.Habang takbo at lakad ang ginagawa natin kahapon,muli kong nasaksihan ang suporta ng masa sa atin,isang nanay ang naglabas ng isang pitsel na may malamig na tubig at pinainom nya tayo.Lingid sa kanyang kaalaman,naluha ako.Nakita ko kung paano niya binibigyan ng tubig ang mga kasama,nginitian ko siya at nagpasalamat,lalong lumalakas ang aking tuhod sa pagtakbo.Alam ko kasama natin siya,kaisa sa ating layunin na pa-bagsakin si gloria.Dahil sa inspirado ako sa kanya at sa mga kasama na kasabay ko sa paglalakad at pagtakbo,hindi ko na naramdaman ang tirik ng araw.Dahil alam ko ang araw na iyon ang matagal na nating minimithi ang mai-apak ang ating mga paa sa paanan nito.
Pagdating ng bustillos,bakas na ang mga ngiti sa ating mga labi,bumibilis din ang pintig ng aking puso at naka-ngisi na tayong lahat……yes!!!!!!! hello,kasamang.chino roces,sa wakas nagkita tayong muli!!
Mendiola touch the ground! Isang TAGUMPAY para sa ting lahat. Syempre,biglang binawi ng mga hangal na mga pulis at ng "gagang si gloria" praning ang hitad,pinaliguan tayo,tinulak na naman at tinaboy.Magkagayunman,panalo tayo! Dahil,magbibilang lang ng araw,mapapatalsik na nating ang rehimeng arroyo at makakapagdaos tayo ng mapayapang programa sa Mendiola.