Archive for May, 2006

Totoong Buhay,mala tele-novela…

Tuesday, May 30th, 2006

Dahliadecorativetwowhiteflowers Kathikashouse2 Dalawang Pamilya na pinag-isa ng PAG-IBIG

1985

Magkapatid si Carlito at Elizabeth,ganundin si Cynthia at Cezar. Ang kanilang pamilya ay magkaibigan at kung magturingan ay para ng pamilya nuon pa na mga bata sila.

Unang nagpakasal si Carlito at Cynthia na biniyayaan ng  3 anak,lalong tumibay ang kanilang magandang samahan ng sumunod na magpakasal ay si Cezar at Elizabeth( hindi nagka-anak).Marami sa kanilang kapitbahay ang namangha at ilan din sa kaanak ay nangutya lalo na sa pamilya ni Carlito at Elizabeth,"wala na bang iba"? ang sambit nila.Hindi naging hadlang ang anumang sabihin ng kahit sinong tao sa kanilang masayang pamilya,nguni’t may isang matandang babae na pagala-gala ang nagsabing,"isa sa magulang ng pamilyang ito ay magdadanas ng kalungkutan,dahil magdadaigan kayo".Nakaka-pangingilabot ang sinabi ng matanda,pero hindi nila ito inintindi(dedma).

2006

Unang dumating na lungkot sa buhay nila,ay ang pagkakaroon ng sakit ni Elizabeth,cancer sa ovary. Umabot din ng 5 taon ang paghihirap ni Beth sa kanyang sakit,pero itong buwan ng Pebrero 18,2006,ay namatay siya.Lungkot at pagdadalamhati ang bumalot sa buong pamilya.Si Beth ay ikalawa sa bunso sa magkakapatid.

May katotohanan nga ba ang "hula" ng matandang babae,na isa sa Nanay ng dalawang pamilyang ito ay lubos na magdadalamhati?

Pinatay si Carlito,Isang karumaldumal na kamatayan.Habang nakikipag-inuman si Carlito,sa di kalayuan ng bahay na pinag-iinuman niya,may isang lalaking nagwawala,may hawak na kutsilyo.Aburido ito dahil iniwan ng kanyang asawa at anak,dahil isa siyang kagawad sa kanilang bgy.,ay inawat niya.Pero,hindi nagpa-awat ang lalaki at siya ang pinagbuntungan ng galit nito,habang kasagsagan ng lakas ng ulan nuong gabi ng May 22,2006 (lunes),inundayan siya ng saksak. 8 ang kanyang tama sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan,isa ay sa puso tumagos na agad niyang ikinamatay.

Ang taong 2006 ay mainam siguro sa ibang pamilya,pero sa pamilyang ito ay  hindi naging maganda, para sa kanila ito ay isang bangungot. Halos 2 buwan lang ang pagitan ng magkapatid na namatay para mabyudo at mabyuda ang 2 naiwan magkapatid.

Bago ang insidente,Totoo ba ang " premonition"?

Linggo araw  ng tamis , yakap at halik…Paalam mahal kong Cynthia at mga Anak….

Matagal ng hindi nagtatabi si Cynthia at Carlito,ayon sa kanila ay may isang taon na din,dahil madalas silang magkatampuhan dahil sa pag-inom nito ng alak na sanhi ng kanyang pagkaka-sakit sa baga. Linggo May 21,umaga pa lang ay magkatuwang sa gawaing bahay ang mag-asawa,inalagaan at ipinasyal ang 2 apo sa parke.Pinangaralan ang panganay na anak na babae (katherine) na iwasan ang mamalo sa kaniyang mga anak,nag-kumpuni ng mga sira sa kanilang bahay.Kahit sino ang mag-aya ng inuman ay tinatanggihan niya ito at hindi lumalabas ng bahay.Gabi habang nakahiga na sila,sinamantala ni Carlito ang pagkakataon ng gabing iyon.Kinausap nya ang asawa ,nangako si Carlito na hindi na siya kailanman iinom at magsisikap sa buhay para sa kanilang pamilya.Bumulong si Carlito kay Cynthia "ning,matagal na tayong hindi nagtatabi".sagot naman niya "ikaw kasi palagi ka na lang umiinom".Para silang bagong kasal,nag-pulot gata ng gabing yun.

Kinabukasan,lunes (may22) maaga silang pumunta ng palengke upang buksan ang kanilang tindahan,malaki-laki ang benta kaya 7pm pa lang ay nagsara na sila at umuwi.Ilang beses siya inaya ng kanyang kumpare para uminom,tinaguan niya ito.Pero,hindi rin siya tinantanan hanggang nilabas na niya ito at sumama para sa imbitasyon.Nagpa-alam siya kay Cynthia at nangako na hindi iinom,makikipag-kwentuhan lang siya.humalik at hinaplos niya ang buhok ng asawa,kumaway sa apo at anak.Dumaan sa bahay ng kanyang nanay,bago tumungo sa nag-imbita.

Iyon na ang huli nilang pag-uusap na punumpuno ng pagmamahal at pag-asa na ang magandang simula ng linggo ay magtutuloy-tuloy sa habang panahon. Nang dalawin ko si Cynthia,isang mainit na yakap ang tangi kong na-ibigay..

Nasaksihan ko ang kanilang pagmamahalan,lungkot,sigalot,tuwa’t saya sa kanilang  pagsasama.Taon-taon ay kasama nila ako sa reunion ng pamilya….. kung bakit? First cousin ko si Carlito at Elizabeth.

Dakilang Ina

Saturday, May 13th, 2006

40Pagpupugay sa lahat ng mga Nanay…….
Inang mapagmahal sa Bayan,umaaruga at kumakalinga sa anak ng bayan..
…mula sa kalunsuran patungong kanayunan.

Mula sa Pagawaan,sa Parang,daang bakal,komunidad ,latian at paaralan
Nagtatanggol at nakikibka para sa Uring ANAKPAWIS , Salamat sa pagmamahal at pag-aaruga  Mabuhay kayo Inay!

Opisina ng ANAKPAWIS sa KIDAPAWAN,Binomba

Wednesday, May 10th, 2006

Jmgkidapawan Opisina ng ANAKPAWIS sa Kidapawan binomba

"Malinaw ang padron ng pampulitikang panunupil: bahagi ito ng sistemetikong hakbang para iharas ang mga miyembro ng Anakpawis na nagsasalita laban sa inhustisya ng administrasyong Arroyo"

Mayo 7,linggo 9:30 ng gabi ay hinagisan ng garanada ng di kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo ang tanggapan ng Anakpawis Partylist sa Suerte Subdivision,Kidapawan City,North Cotabato. Nasa kritikal na kondisyon ang dalawang kasama na sina Jobani Tacadao,tagapagsalita ng Bagong Alyansang Makabayan,at Ogie Abalde,kagawad ng KMP Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. Ayon kay Delle Fano kagawad ng Anakpawis dun ,naghahanda sila ng isang kampanya para sa pagpapalaya kay Rep.Crispin"ka bel"Beltran,pero nauna rito ay napapansin na nila ang paniniktik ng elemento ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army.Isang lumang 4×4 na sasakyan ang umaali-aligid sa tapat ng opisina mula pa nuong Mayo 1.May pagkakataon pa na nakita nila na may mga kalalakihang nakasakay sa motor na kinukunan ng litrato ang opis gamit ang digital camera.

Samantala, dinukot naman ng di-nakilalang mga kalalakihan si Benedicto Manaoag,Tagapangulo ng Anakpawis-Mirasol Chapter sa Angeles City,Pampanga mula pa nuong Mayo 5. Hindi parin siya natatagpuan hanggang sa kasalukuyan.

Ito ay pagpapatunay lamang ng pagiging berdugo ng gobyernong Arroyo sa hanay ng mga militante at progresibong organisasyon tulad ng Anakpawis.Alam ni Gloria na ang mga militanteng organisasyon at malawak na bilang ng mamamayan ang tuwirang magpapabagsak sa kanya sa lalong madaling panahon.Ang Peke,berdugo,pasista at kurap na pangulong tulad nya ay hindi na dapat manatili sa poder,sampu ng kanyang gabinete tulad ni Raul Gonzalez at Mike Defensor.

Batasan 5 visit ka bel

Wednesday, May 10th, 2006

    BATASAN 5, nakalabas na ng Kamara!Img_0253

Bumisita ang tinaguriang  Batasan 5  kay ka Bel sa Philippine Heart Center Rm.2427 kahapon (May 9,2006). Matapos ibasura ni Judge Jenny Lind R.Aldecoa-Dolorino ng Makati RTC Img_0214Img_0345Img_0278Img_0370ang isinampang kaso ng DOJ laban sa 5 konggresista at  sa 40 pang personahe.

Kamusta Kasama! Ito ang bati ng  B5 sa pagpasok sa kwarto ni ka bel

Mainit at mahigpit na yakap naman ang salubong ni ANAKPAWIS Representative Crispin"Ka Bel" Beltran sa mga kasamang sina, Rep.Satur Ocampo,Rep Joel Virador at Teddy Casino ng BAYAN MUNA, Rep. Rafael "Ka Paeng" Mariano ng ANAKPAWIS , at si Rep. Liza Maza ng GABRIELA.

Kasalukuyang sumailalim sa medical tests ng araw na iyon at may radiation sa kanyang katawan, pinayuhan ng doktor si ka bel na dumistansya sa mga bisita ngunit hindi napigilang yakapin siya ng mga ito,maliban kay teddy na may anak na si Elian ngunit ang ngiti nito ay buong pananabik na makita si ka bel.Wala silang inaksayang oras sa araw na iyon,masayang kwentuhan at masaganang halakhakan na punumpuno ng pananabik sa matagal na di pagkikita,chikahan na may pagka- showbiz din dahil sa pagkapanalo ni keanna reeves sa PBB kamakailan na pinapurihan naman ni ka bel sa pagiging matapang at makabayan nito na nagbahagi pa ng P1-Milyong premyo sa Gabriela na kanyang pinili na maging isponsor,gayundin ang paglagda nito sa petisyon para sa pagpapalaya kanya.Ang pinaka-highlights ng kwentuhan ay ang SiRaulong Gonzalez,tulad ng inaasahan pinulutan nila ito. Sabi nga ni ka bel ay umabot na sa utak ang sakit nito sa kidney,na kahit pa i-dialysis ay hindi na kayang gamutin.( korek! ka ka bel kasi "pesteng ehem "yan!ang bawat buka ng bibig ay may mikrobyong dala na nakakalason sa sambayanang pilipino.)

Nakalabas man sila ng Kamara ay may panggigipit at banta parin sa kanilang seguridad,kaya sinabi ni Atty.Romeo Capulong tumatayong pangunahing abogado nila ay inihahanda na nila ang pagsasampa ng kasong sibil,administrado at kriminal laban kina Gonzales,PNP Chief Arturo Lomibao at iba pang matataas na opisyales ng pamahalaang Arroyo.

Tuloy-tuloy ang laban at pakikibaka,PATALSIKIN SI GLORIA! pagtatapos ng kanilang kwentuhan at bago maghiwa-hiwalay sinabi ng B5 na sisiguraduhin nilang lalaya si ka bel sa lalong madaling panahon, sabi ni ka bel sige magkita kita tayo "bukas".