Batasan 5 visit ka bel
BATASAN 5, nakalabas na ng Kamara!
Bumisita ang tinaguriang Batasan 5 kay ka Bel sa Philippine Heart Center Rm.2427 kahapon (May 9,2006). Matapos ibasura ni Judge Jenny Lind R.Aldecoa-Dolorino ng Makati RTC 


ang isinampang kaso ng DOJ laban sa 5 konggresista at sa 40 pang personahe.
Kamusta Kasama! Ito ang bati ng B5 sa pagpasok sa kwarto ni ka bel
Mainit at mahigpit na yakap naman ang salubong ni ANAKPAWIS Representative Crispin"Ka Bel" Beltran sa mga kasamang sina, Rep.Satur Ocampo,Rep Joel Virador at Teddy Casino ng BAYAN MUNA, Rep. Rafael "Ka Paeng" Mariano ng ANAKPAWIS , at si Rep. Liza Maza ng GABRIELA.
Kasalukuyang sumailalim sa medical tests ng araw na iyon at may radiation sa kanyang katawan, pinayuhan ng doktor si ka bel na dumistansya sa mga bisita ngunit hindi napigilang yakapin siya ng mga ito,maliban kay teddy na may anak na si Elian ngunit ang ngiti nito ay buong pananabik na makita si ka bel.Wala silang inaksayang oras sa araw na iyon,masayang kwentuhan at masaganang halakhakan na punumpuno ng pananabik sa matagal na di pagkikita,chikahan na may pagka- showbiz din dahil sa pagkapanalo ni keanna reeves sa PBB kamakailan na pinapurihan naman ni ka bel sa pagiging matapang at makabayan nito na nagbahagi pa ng P1-Milyong premyo sa Gabriela na kanyang pinili na maging isponsor,gayundin ang paglagda nito sa petisyon para sa pagpapalaya kanya.Ang pinaka-highlights ng kwentuhan ay ang SiRaulong Gonzalez,tulad ng inaasahan pinulutan nila ito. Sabi nga ni ka bel ay umabot na sa utak ang sakit nito sa kidney,na kahit pa i-dialysis ay hindi na kayang gamutin.( korek! ka ka bel kasi "pesteng ehem "yan!ang bawat buka ng bibig ay may mikrobyong dala na nakakalason sa sambayanang pilipino.)
Nakalabas man sila ng Kamara ay may panggigipit at banta parin sa kanilang seguridad,kaya sinabi ni Atty.Romeo Capulong tumatayong pangunahing abogado nila ay inihahanda na nila ang pagsasampa ng kasong sibil,administrado at kriminal laban kina Gonzales,PNP Chief Arturo Lomibao at iba pang matataas na opisyales ng pamahalaang Arroyo.
Tuloy-tuloy ang laban at pakikibaka,PATALSIKIN SI GLORIA! pagtatapos ng kanilang kwentuhan at bago maghiwa-hiwalay sinabi ng B5 na sisiguraduhin nilang lalaya si ka bel sa lalong madaling panahon, sabi ni ka bel sige magkita kita tayo "bukas".