Opisina ng ANAKPAWIS sa KIDAPAWAN,Binomba
Opisina ng ANAKPAWIS sa Kidapawan binomba
"Malinaw ang padron ng pampulitikang panunupil: bahagi ito ng sistemetikong hakbang para iharas ang mga miyembro ng Anakpawis na nagsasalita laban sa inhustisya ng administrasyong Arroyo"
Mayo 7,linggo 9:30 ng gabi ay hinagisan ng garanada ng di kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo ang tanggapan ng Anakpawis Partylist sa Suerte Subdivision,Kidapawan City,North Cotabato. Nasa kritikal na kondisyon ang dalawang kasama na sina Jobani Tacadao,tagapagsalita ng Bagong Alyansang Makabayan,at Ogie Abalde,kagawad ng KMP Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. Ayon kay Delle Fano kagawad ng Anakpawis dun ,naghahanda sila ng isang kampanya para sa pagpapalaya kay Rep.Crispin"ka bel"Beltran,pero nauna rito ay napapansin na nila ang paniniktik ng elemento ng 39th Infantry Battalion ng Philippine Army.Isang lumang 4×4 na sasakyan ang umaali-aligid sa tapat ng opisina mula pa nuong Mayo 1.May pagkakataon pa na nakita nila na may mga kalalakihang nakasakay sa motor na kinukunan ng litrato ang opis gamit ang digital camera.
Samantala, dinukot naman ng di-nakilalang mga kalalakihan si Benedicto Manaoag,Tagapangulo ng Anakpawis-Mirasol Chapter sa Angeles City,Pampanga mula pa nuong Mayo 5. Hindi parin siya natatagpuan hanggang sa kasalukuyan.
Ito ay pagpapatunay lamang ng pagiging berdugo ng gobyernong Arroyo sa hanay ng mga militante at progresibong organisasyon tulad ng Anakpawis.Alam ni Gloria na ang mga militanteng organisasyon at malawak na bilang ng mamamayan ang tuwirang magpapabagsak sa kanya sa lalong madaling panahon.Ang Peke,berdugo,pasista at kurap na pangulong tulad nya ay hindi na dapat manatili sa poder,sampu ng kanyang gabinete tulad ni Raul Gonzalez at Mike Defensor.