Archive for September, 2006

Martial Law MusikLabang hit na hit nuon

Tuesday, September 19th, 2006

Opm03

Martial Law days,uso ang mga hippie’s mga lalaking may mahahabang buhok  na style kulot or naka-apro.Bell bottom ang pantalon na jersey ang tela,na nakasayad sa lupa na takip ang kanilang clogs na boots o kahit anong sapin nila sa paa.Kapag masasalubong  mo sa kalye,babatiin ka ng  "peace man",parang  hindi naliligo ang hitsura.Dahil uso nuon yun,hindi ka matatakot masalubong sa kalye sa kahabaan ng Recto kung saan ito ang isa sa sikat na gimikan o pasyalan,at  tinaguriang U-belt dome.
Opm01
Ml04_1 Ngayon kapag nakasalubong ka ng ganyang tao,im sure tatakbo ka kasi taong grasa na yun,hehehe! Patok na patok ang Rock at mga awiting pinoy, himig pinoy, at mga banda. Tulad ng Juan Dela Cruz Band,Pepe Smith,Mike Hanopol,Sampaguita.Mga alternatibong awitin ng ASIN,Florante,Banyuhay,Coritha,Freddie Aguilar.Kasabay ng init ng mga awiting ito ang init ng laban sa lansangan laban sa diktadurang Marcos,kuminang ang tunay na makabayang awitin na sariling atin.Dito nakilala ang tunay na mga artista ng bayan na sila Pol Galang,Heber Bartolome,Patatag,Bugkos,Tambisan sa Sining.Sa mga konsyertong isinasagawa ng mga progresibong organisasyon,ay nabubuklod sila at nagsasama-sama.Ito ang isa sa  pinaka-mabisang propaganda nuon upang ipakita at maipabatid sa sambayanan ang tutulan at labanan ang Batas Militar ng tuta at dikatador na si Marcos.
    Bago ideklara ang Martial Law,may mga pang kulturang grupo na nagtatanghal sa mga lansangan at pagawaan ito ang Komintang at Panday Sining,sila at ang mga kasabayan nila ay tinaguriang FQS babies na ngayon ay isa nang organisasyon ,FQSM (first quarters storm movement).Nakapagtanghal na ang ilan sa kanila sa ibang bansa at ang isa nga sa grupong Komintang na si Lino ay nakapag-workshop pa sa China.Mula sa kanila,ay lumawak ang mga cultural group at nakapagtayo ang ibat ibang sektor na siyang nagpasigla ng propaganda sa sining at kulturang  rebolusyonaryo.
    Sept.21,1972,ng  ideklara na ang Martial Law, siyam na taong gulang pa lang ako.Miyembro na ako ng isang cultural group,DULAANG KAYUMANGGI,isinasadula namin ang buhay at pakikibaka ng maralitang lunsod.Unang tula na pinakabisa sa akin  ay ang tula ni Ka Amado V.Hernandez, "Kung Tuyo na ang luha mo aking bayan",habang tinutula ko ito sa kalagitnaan pa lang ay umiiyak na ako,kasabay ng mga manunuod.Hanggang ngayon ito parin ang ninanais kong tulain sa entablado,bawat katagang binibigkas mo ay may pakahulugan sa buhay ng mamamayang pilipino.Tulad kong dumanas ng kalupitan ng Martial Law,hinding hindi ko papayagang maulit ito muli at patuloy akong lalaban at sasama sa agos ng pakikibaka para sa bayan,todo na to tol! repapips,okey olrayt….peace men..duds!

Opm04

Opm02_2

 

I survive, Martial Law

Tuesday, September 19th, 2006

I survive, Martial Law
  Ml05_2
  Ml07_1
Ml06

Dalawampung taon sa kamay ng diktaduryang Marcos,mahigit sa 10 libong biktima ng paglabag sa karapatang pantao ang dulot ng kanyang   Martial Law .Iba’t ibang anyo ng paglabag nito sa mamamayan lalo na sa mga aktibista sa hanay ng kabataang estudyante at mga manggagawa, tulad ng pag patay,pag masaker, pag-tortyur sa mga bilanggong pulitikal at ang  pag-dukot (Hindi pa kabilang dito ang ilang nasa remote area  sa kanayunan  na  pinaslang at nawala na mga magsasaka)Ml02
Ngayon,iba lang ang gender nito, pero magkapareho ng istilo.Parehong may bahid ng dugo ang mga kamay sa mga mamamayan.Higit pa nga na malupit itong si GMA,dahil 5 taon pa lang sa kanyang panunungkulan ay may 755 na ang naitalang dinukot at pinaslang  at patuloy na  lumalaki pa ang bilang.Hindi pa tuwirang nagdedeklara ng Martial Law ang hitad,higit na mabangis at mapanganib ang buwayang ito.Bukod sa sinungaling at mandarambong na pekeng pangulo,siya  ay BERDUGO,katuwang ang kanyang mga papet na sila Palparan na hayagan niyang pinapurihan sa kahusayan nito sa pagpatay at paglipol di-umano sa mga hanay ng maka-kaliwa,na nananalasa sa central luzon ngayon sa pamamagitan ni Juanito Gomez.Matapos papurihan ay  nai-promote pa, Norberto at Raul Gonzales na parehong inutil na at sira ulo,Ebdani,Esperon,Lumibao atbp.
    Never Again to Martial Law! OUST GMA NOW!