Martial Law MusikLabang hit na hit nuon

Opm03

Martial Law days,uso ang mga hippie’s mga lalaking may mahahabang buhok  na style kulot or naka-apro.Bell bottom ang pantalon na jersey ang tela,na nakasayad sa lupa na takip ang kanilang clogs na boots o kahit anong sapin nila sa paa.Kapag masasalubong  mo sa kalye,babatiin ka ng  "peace man",parang  hindi naliligo ang hitsura.Dahil uso nuon yun,hindi ka matatakot masalubong sa kalye sa kahabaan ng Recto kung saan ito ang isa sa sikat na gimikan o pasyalan,at  tinaguriang U-belt dome.
Opm01
Ml04_1 Ngayon kapag nakasalubong ka ng ganyang tao,im sure tatakbo ka kasi taong grasa na yun,hehehe! Patok na patok ang Rock at mga awiting pinoy, himig pinoy, at mga banda. Tulad ng Juan Dela Cruz Band,Pepe Smith,Mike Hanopol,Sampaguita.Mga alternatibong awitin ng ASIN,Florante,Banyuhay,Coritha,Freddie Aguilar.Kasabay ng init ng mga awiting ito ang init ng laban sa lansangan laban sa diktadurang Marcos,kuminang ang tunay na makabayang awitin na sariling atin.Dito nakilala ang tunay na mga artista ng bayan na sila Pol Galang,Heber Bartolome,Patatag,Bugkos,Tambisan sa Sining.Sa mga konsyertong isinasagawa ng mga progresibong organisasyon,ay nabubuklod sila at nagsasama-sama.Ito ang isa sa  pinaka-mabisang propaganda nuon upang ipakita at maipabatid sa sambayanan ang tutulan at labanan ang Batas Militar ng tuta at dikatador na si Marcos.
    Bago ideklara ang Martial Law,may mga pang kulturang grupo na nagtatanghal sa mga lansangan at pagawaan ito ang Komintang at Panday Sining,sila at ang mga kasabayan nila ay tinaguriang FQS babies na ngayon ay isa nang organisasyon ,FQSM (first quarters storm movement).Nakapagtanghal na ang ilan sa kanila sa ibang bansa at ang isa nga sa grupong Komintang na si Lino ay nakapag-workshop pa sa China.Mula sa kanila,ay lumawak ang mga cultural group at nakapagtayo ang ibat ibang sektor na siyang nagpasigla ng propaganda sa sining at kulturang  rebolusyonaryo.
    Sept.21,1972,ng  ideklara na ang Martial Law, siyam na taong gulang pa lang ako.Miyembro na ako ng isang cultural group,DULAANG KAYUMANGGI,isinasadula namin ang buhay at pakikibaka ng maralitang lunsod.Unang tula na pinakabisa sa akin  ay ang tula ni Ka Amado V.Hernandez, "Kung Tuyo na ang luha mo aking bayan",habang tinutula ko ito sa kalagitnaan pa lang ay umiiyak na ako,kasabay ng mga manunuod.Hanggang ngayon ito parin ang ninanais kong tulain sa entablado,bawat katagang binibigkas mo ay may pakahulugan sa buhay ng mamamayang pilipino.Tulad kong dumanas ng kalupitan ng Martial Law,hinding hindi ko papayagang maulit ito muli at patuloy akong lalaban at sasama sa agos ng pakikibaka para sa bayan,todo na to tol! repapips,okey olrayt….peace men..duds!

Opm04

Opm02_2

 

Leave a Reply