Monday, December 18th, 2006

SIMBANG GABI………… Nagsimula na ang simbang gabi….Hudyat ng papalapit ang araw ng PASKO. Kasama ng ating kultura at tradisyon na ipinamana ng kastila sa atin,bubunuin mo ang 9 na araw para daw ma-grant ang mga wishes mo.Mula nuong bata pa ako,hindi ko mabuo-buo ang 9 na araw,kadalasan tatlong beses lang o apat.Kasi naman sa oras ng simba,ay dun pa lang ako matutulog kaya kahit sumama ako diko naiintindihan ang seremonya ng pari,kasi tulog po ako hehehe! Pero gising na gising ako kapag tapos na ang misa,pupunta na kami sa isang tindahan kakain na kami ng bibingka at puto bungbung,grabe ang sarap!lalo na kapag sasabayan mo ng tsokolate o tsaa,whew!delicioso.
Mula ng mag-asawa ako,isang beses pa lang ako nakapag-simbang gabi,kundi pa ako pinilit ng mga in-laws ko.Sumama na din ako para maranasan ko uli ang makakain ng mainit na bibingka at uminon ng mainit na tsaa,pero ang nakakatawa,palabas pa lang kami ng bahay,umaambon na,hahahaha! kinantyawan ako ng biyenan ko,"naku malu,maaga pa lang binasbasan kana ni lord,para pag pasok mo ng simbahan hindi na umapoy"hahahaha!
Pero,ang simabang gabi ay may kakaibang hatid sa kapaskuhan nating mga pilipino.
ISANG MALIGAYANG PASKO at MANIGONG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT!!!!!