PUP-YS, HOY,GISIIIIIIING!!!!!

Matagal bago ako muling nakabisita sa PUP at ang huli ay kanina(july 17,2007). Tumambad sa akin ang bagong flower path sa harapan ng gate,kahit hindi pumasa sa panlasa ko ang design, ay ok na din kahit papaano.Pagpasok namin,nagulat ako na ang pasilyo nila na daanan ng mga estudyante ay sira at yupi-yupi parin ang bubungan. Pagpasok pa namin sa loob isa uling flower path at  pabolosong landscape garden.( sabi nga ng mga kaibigang professor dun,ala Memorial Garden )Inakala ko na sa pag-ikot at pagpasok ko dito ay makikita ko na bago na ang kanilang  pasilidad at maganda na kahit papaano ang kanilang silid aralan. Laking gulat ko na kahit isa ay walang nabago dito,at lalong nabubulok ang kanilang room. Kulang at sira sira ang  upuan,may electric fan per hindi umaandar,samantalang naggagandahan ang kanilang garden sa labas at ang nakita kong on-going construction pa sa loob ay para daw sa food chain stalls na rerentahan daw ng P500/a month.

Kaya iniisip ko,ano ang ginagawa ng mga militanteng kabataang estudyante sa kasalukuyang sitwasyon nila dun ngayon?,dapat sana’y ang milyong halaga na winawaldas lamang sa pagpapaganda sa damo at bato.Dapat kayong kumilos!Mag-ingay kayo hinggil dito. Mas inuuna ng bagong pamunuan nito ang "beautification"kesa sa madaliing ayusin ang mga pasilidad para sa inyo! PUP-YS Hoy Gising! Nananawagan na sa inyo ang ilang guro na makiisa kayo sa pag-kondena hinggil dito,inaaksaya nila ang salaping dapat ay sa inyong mga estudyante!

Maloka kayo sa halaga ng flag pole pa lang ninyo, ayon sa  kausap ko ay kalahating milyon maging ang garden landscape! Nakakainis,nakaka-iritang malaman.Ganyan ka-hayop maglustay ng salapi ang bagong namumuno sa school nyo. E,nasaan na nga ba kayo?! liban sa pagtutol sa pagtaas ng tuition fee dapat na suriin din ninyo ang kakaibang nagaganap sa loob ng inyong unibersidad

Leave a Reply