Family Vacation - Trip to ILOCOS SUR and ILOCOS NORTE

Hindi namin pinalagpas ang summer na hindi kami nakapaglublob sa beach. Tulad ng ibang pamilya isa kami sa nagkumahog na maghanap ng pupuntahan at mapagbabakasyunan labas ng Metro Manila.Tinarget namin ang Pagudpud na nasa Ilocos Norte,marami ang nagsasabi na ito ang bersyon ng Bora sa Norte,white sand din .So,plinano namin ang ang aming trip bago makarating duon ay may isa pang place ito ay ang Vigan.

        Malayo-layong byahe at matagal-tagal na bakasyon. Excited kaming lahat,namili ako ng aming babaunin sa byahe,hinanda ko ang lahat ng kakailanganin una sa lahat ay medicine kit ,coleman cooler box( para sa mga inumin) at mga sitsirya. Alas 4:30 ng umaga kami umalis ng bahay,nag-almusal kami sa Petron NLEX,nananghalian kami sa La Union,dahil marami kaming stop over nakarating kami ng VIGAN ay 5:30 na ng hapon.Img_1822 Nag check-in kami sa Villa Juliana Hotel,may pool kaya nag-tampisaw muna kami. Kinabukasan ng umaga nag-ikot ikot na kami sa Max’s Resto kami nag-breakfast,nagulat ako na kahilera lang nya ang mga tindahan ng mga souvenir,excited kami kaya nagmadali kaming kumain.Img_1828 Img_1848Kahit mainit naglakad kami para maikot lahat at mapasok ang lahat ng store.Wala kaming pinalagpas na building na hindi kami nagpa-kodak!                 Img_1850 Kalesamiles_and_mama

Img_1907

Ala una y medya ng hapon nag-check out na kami ng hotel para tumulak papuntang Batac. Tatlong oras ang byahe kaya alas tres ay naron na kami.Una kong hinanap ang museo na kung saan dun nakalagay ang katawan ni Marcos. Dahil Sabado may ilang museo na hindi bukas,ang tanging bukas lang  ay ang museo na pinaghihimlayan  ng  kontrobersyal na katawan ni Marcos,swerte at inabutan pa namin dahil 3:30 ng hapo ay isasara na ito. Dito mahigpit na pinagbabawal na makunan ng litrato ang burol ni Marcos,tinanong ko ang caretaker kung bakit,wala namang maisagot kundi kibit balikat lang.Marami ang silid na may memorabilya niya at bawat  sulok ay mayroong nakasabit.Dahil marami ang tao uminit at may kakaibang amoy dahil siguro sa korona ng bulaklak na nandun, kaya lumabas kami agad.

Img_1893

Taas_kamao

  Alas Thea kwatro na ng hapon ng lisanin namin ang Batac.Nagmamadali din kami dahil sa mahaba pa ang byahe patungong Pagudpud.Inabot na kami ng alas 9:00 ng gabi sa daan,mahaba ang kalsadang walang kabahayan at walang ilaw.Mabuti na lang at maganda ang kalsada halos wala na kaming kasabay sa paglalakbay,medyo nakakatakot.Nakahinga lang  ako ng maluwag ng umabot na kami sa isang bayan na 10 minuto pa bago ang bayan ng Pagudpud.After 10 minutes narating na namin ang malaking kabibe sa bungad at pagpasok mo ay Bgy.Saud,nandito ang beach and resort.Una naming pinuntahan ang Saud Beach Resort Hotel and Restaurant ito kasi ang isa sa class na resort kaya lang puno na sila, kaya napunta kami sa ACE Resort na bagong bago pa at swerte may bakante pa na family room para sa amin.Matapos maghapunan sa pagod namin ay nagpahinga na kami,mabait at maasikaso sa amin ang may ari,kaya kung bibisita kami uli sa Pagudpud,dito kami uli magtse-check-in na aking pamilya.

7:00 am BreakfastPgdpdhotel, pagkatapos ready to swim,yehey! white sand!

Adamamathea Mama_posing_1 Napakaganda ng beach,malinis at nagkataon na kaunti na lang ang naliligo sa resort ng pinuntahan namin.Sa lawak ng beach medyo malayo pa ang kasunod na resort kaya ang iba ay naglalakad lakad at binabaybay ang susunod pa na beach in short nanga2pitbahay lalo na ang mga kadalagahan,dito solong solo namin.Feeling ko nakarating na ako sa Bora,sa hinaharap malamang na maging maganda pa ito sa Bora kapag naisagawa ang plano ng kanilang Munisipyo o Pamahalaang Bayan.

Ada_floatingAkadathea_in_swimsuit

Mga anak ko model ng deodorant whitening,hehehehe!

Pagdpdmalu Pagdpdmaluhitch

Ngayon alam ko na kung bakit tinawag na PaguPud ang bayan na ito, PAGUD ka sa haba ng byahe at PUD2 ang pwet mo sa 15 oras na byahe. Kaya kung nagbabalak kang makarating dito,2 hotel sa magkaibang lugar ang tutuluyan mo,tulad namin. Pero hindi ka magsisisi dahil maraming lugar na madaraanan ka na pwede mo pang mapuntahan bago ang Pagudpud at Vigan. Una ang La Union magaganda rin ang beach dito at may white sand din,hindi na nga lang namin nabisita.

                                          

2 Responses to “Family Vacation - Trip to ILOCOS SUR and ILOCOS NORTE”

  1. Lorraine Cruz Says:

    Hello po!

    Buti na lang at nakita ko itong blog ninyo.matagal na namin pinapangarap ng kapatid ko na mka punta sa Pagudpod,dadaan ng Vigan at Bayan ni Ferdinand…tumpak ako dito.pwede ko po bang malaman ang rate ng Ace resort for family room nila and kung meron kayong phone# nila?

    Salamat po…

    Lorraine Urbano

  2. antonio a. razon Says:

    hello, ask ko lang kung hindi ba mahirap ang daan papunta ng Pagudpud? Di NPA prone ang lugar kasi sabi mo halos wala na bumibiyahe dahil gabi na? Kasi hanggang sa Laoag lang ang narating ko. Mga ilang hours pa coming from Laoag? thanks. How nice your photos n’yo.

Leave a Reply