Mayo Uno

April 21st, 2006 by vultra

Untitled9_1125_1 Sa MAYO UNO, Lumahok tayo sa pambansang kilos protesta na isasagawa sa pangunguna ng Uring Manggagawa , upang labanan ang patuloy na pagpapahirap ng Papet at Pasistang si Gloria Arroyo.Wakasan na natin,ang lumalawak na kagutuman,pagsisikil ng ating mga karapatan,patuloy na pagpaslang sa hanay ng progresibong mamamayan sa pagpapairal ng "LAGIM" ng gubyerno ni Gloria Arroyo,kasama ang INUTIL na si Raul Gonzalez at ang iba pang gabinete nito.

Kapit bisig tayo sa lansangan ,Isulong ,Ipaglaban,,,

Itaas ang Sahod 125,Across the Board Nationwide!

Sahod,Trabaho at Karapatan,Ipaglaban!

Cong.Crispin Beltran,PALAYAIN! 

GLORIA ARROYO,PATALSIKIN,Singilin,Pagbayarin,!

CHA CHA ni gloria,TUTULAN,LABANAN,IBASURA! Pahirap sa Masa,PATALSIKIN si GLORIA!!!

April 7th, 2006 by vultra

Kahabaan_ng_rali_sa_espana_2
Amin ang MENDIOLA,Gloria! Alis dyan!!!

Sa kabila ng init,uhaw at pagod ay di ako sumukong maglakad,bagama’t panak-naka ay sumisilong sa lilim ng mga puno o building na madaanan at humihinto saglit para uminom ng tubig,huminga ng malalim upang humugot muli ng konting lakas.habang pabilis ng pabilis at kinailangang magmadali na sa paglakad, at maririnig ko na ang komand"double time,mga kasama,bilis!"kinakabog ako, takbo pa rin ang lola mo para di  maiwan.Habang takbo at lakad ang ginagawa natin kahapon,muli kong nasaksihan ang suporta ng masa sa atin,isang nanay ang naglabas ng isang pitsel na may malamig na tubig at pinainom nya tayo.Lingid sa kanyang kaalaman,naluha ako.Nakita ko kung paano niya binibigyan ng tubig ang mga kasama,nginitian ko siya at nagpasalamat,lalong lumalakas ang aking tuhod sa pagtakbo.Alam ko kasama natin siya,kaisa sa ating layunin na pa-bagsakin si gloria.Dahil sa inspirado ako sa kanya at sa mga kasama na kasabay ko sa paglalakad at pagtakbo,hindi ko na naramdaman ang tirik ng araw.Dahil alam ko ang araw na iyon ang matagal na nating minimithi ang mai-apak ang ating mga paa sa paanan nito.

Pagdating ng bustillos,bakas na ang mga ngiti sa ating mga labi,bumibilis din ang pintig ng aking puso at naka-ngisi na tayong lahat……yes!!!!!!! hello,kasamang.chino roces,sa wakas nagkita tayong muli!!
Mendiola touch the ground! Isang TAGUMPAY para sa ting lahat. Syempre,biglang binawi ng mga hangal na mga pulis at ng "gagang si gloria" praning ang hitad,pinaliguan tayo,tinulak na naman at tinaboy.Magkagayunman,panalo tayo! Dahil,magbibilang lang ng araw,mapapatalsik na nating ang rehimeng arroyo at makakapagdaos tayo ng mapayapang programa sa Mendiola.

Boycott Nestle!

October 1st, 2005 by vultra

PANAWAGAN!
PRODUKTONG NESTLE, BOYKOTIN!!!!!!!!

Ang mga GATAS malapot,malabnaw at powder
nasa lata,karton o plastik man
ay maganda sa ating katawan,
bitamina nito ay pare-pareho lang,

CHOCOLATE  at KENDI ay mainam din sa atin lalo na sa panghimagas matapos kumain.
Magaling na  pang regalo,
sa misis na nagtatampo,sa  panliligaw sa babaeng minamahal mo,
mas mainam kung cake ang ialay mo para tuwirang mapasagot mo ito.

Wow! ICE CREAM  Sa mga party-bertdey,binyagan,kompil at kasalan,
pampasaya sa mga bata at matanda,kapag sila’y may dinidilap-dilapan o sinisipsipan,
lahat ay masasaya sa tuwi-tuwina kapag may ihahain ka nito sa iyong lamesa.


Pero mga mahal kong 
KABABAYAN,isang pakiusap po lamang,ang lahat ng ito ay ma-eenjoy nyo lamang,sa ibang brand,HUWAG lang sa produkto ng NESTLE na sa manggagawa ay LAPASTANGAN
produkto nila’y,MAPAIT sa kalamnan, may tilamsik ng DUGO ng mga MANGGAGAWA na kanilang pinaslang at pinahihirapan,…LUPIT EVER!

BOYKOTIN natin ang NESTLE!!!!!!

Katarungan para kay Diosdado "ka fort" Fortuna!